Daan-daang pamilya sa Davao Occidental inilikas dahil sa bagyong Chedeng

PAGASA

Daan-daang pamilya na ang inilikas sa Davao Occidental dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Chedeng.

Sa bayan ng Malita, inilikas na ang nasa halos 500 pamilya at dinala sa mga evacuation center.

Sa abiso ng PAGASA, ngayong umaga ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Davao Occidental.

Pagkatapos ng landfall ay inaasahang hihina ang bagyo pero maghahatid pa rin ito ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.

Maraming lugar na rin sa rehiyon ang nagsuspinde ng klase.

Read more...