PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, March 19

By Dona Dominguez-Cargullo March 19, 2019 - 08:57 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Laguna, Quezon City, Caloocan Antipolo, at Bulacan.

Sa abiso ng Meralco, sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Malamig at Barangay Loma sa Biñan, Laguna.

Parehong oras din ang schedule ng power interruption sa bahagi ng Barangay U.P Campus sa Quezon City; at Tala sa Caloocan.

Sa Antipolo City naman sa Rizal, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay San Jose.

Sa pagitan naman ng alas 10:00 ng umaga at ala 1:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Limao sa Calauan, Laguna.

At sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Barangay Malawak sa Bustos, Bulacan.

TAGS: Kuryente, mawawalan ng kuryente, Meralco, ngayong araw, power interruption, Kuryente, mawawalan ng kuryente, Meralco, ngayong araw, power interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.