Tropical Depression Chedeng bumagal habang patuloy na lumalapit sa eastern coast ng Davao Occidental
Napanatili ng Bagyong Chedeng ang lakas nito ngunit bumagal ang pagkilos habang papalapit sa eastern coast ng Davao Occidental.
Ngayong hanggang alas-6:00 umaga inaasahan itong tatama sa kalupaan.
Sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 105 kilometro Silangan ng General Santos City.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang tropical depression sa direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Inaasahang hihina na ito at magiging low pressure area (LPA) na lamang matapos maglandfall sa eastern coast ng Davao Occidental.
Nakataas ang signal no. 1 sa mga susunod na lugar:
• Davao Oriental
• Compostela Valley
• Davao del Sur
• Davao City
• General Santos City
• Davao Occidental
• Timog na bahagi ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island
• Silangang bahagi ng North Cotabato
• Silangang bahagi ng South Cotabato
• Silangang bahagi ng Sarangani
• at Silangang bahagi ng Sultan Kudarat
Makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ngayong araw ang halos buong Mindanao partikular ang Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Zamboanga Peninsula.
Pinag-iingat ang mga residente lalo na sa mga mabababang lugar sa posibilidad ng pagbaha gayundin ang mga lugar na posible ang pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.