DepEd: Wala nang problema sa tubig sa mga paaralan sa NCR

File photo

Wala nang water-shortage related problems sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa isang press briefing kahapon sa Quezon City, sinabi ni DepEd-NCR director Dr. Wilfredo Cabral, ang lahat ng isyu sa water shortage ay nasolusyonan na dahil sa mabilis na pagresponde ng local government units.

Sinabi pa ng opisyal na nakipagpulong ang DepEd-NCR sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno para matugunan ang krisis sa tubig.

Ani Cabral, wala silang natatanggap na ulat ngayon ng mga kaparehong sitwasyon nang magsimula ang water crisis.

Ang water supply anya ay naibalik na at normal na ang operasyon.

Nauna nang pinayagan ng DepEd ang mga estudyante at guro sa mga lugar na apektado ng krisis sa tubig na magsuot ng casual clothes kung wala nang maisusuot na uniporme.

Read more...