UP Forum hindi sinipot ng ilang vice presidential candidate

Chiz-and-Leni-660x495
Inquirer file photo

Hindi sinipot ng ibang mga kandidato sa forum para sa mga kandidatong bise presidente na inorganisa ng University of the Philippines.

Sa anim na mga kandidato sa pagka-pangalawang Pangulo, tanging sina Sen. Chiz Escudero at Congw. Leni Robredo lamang ang dumalo sa nasabing forum.

Hindi naman sinabi ang dahilan ng hindi pag-sipot ng iba pang mga kandidato tulad nina Senators Bongbong Marcos, Alan Cayetano, Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.

Si Cayetano na running-mate ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay dumalo sa proclamation ng tambalang Duterte-Cayetano sa Maynila.

Si Marcos ay ka-tandem ni Sen. Mirriam Defensor Santiago, si Honasan at runningmate ni Vice-President Jejomar Binay samantalang Independent candidate naman si Trillanes.

Sa nasabing forum ay isa-isang sinagot nina Escudero at Robredo ang mga tanong na mula sa mga estudyante ng U.P mula sa isyung pulitikal hanggang sa mga usaping personal.

 

Read more...