Nananatiling walang talo ang St. Clare College-Virtual Reality sa 2019 PBA D-League.
Ito ay matapos lampasuhin ng koponan ang Batangas-Emilio Aguinaldo College sa iskor na 80-73 sa kanilang laban kahapon sa Paco Arena sa Maynila.
Pinangunahan ni Junjie Hallare ang St. Clare sa iskor na 18 points at 15 rebounds.
Dahil dito umabante ang Saints sa kartadang 3-0.
Ayon kay St. Clare coach Jinino Manansala, lagi niya lamang pinaaalalahan ang kanyang mga manlalaro na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa practice at magbubunga ito.
Nakapagdagdag ng tig-14 points sina Irvin Palencia at Joshua Fontanilla para sa St. Clare.
Ang Emilio Aguinaldo College naman na dumausdos sa record na 1-3 ay pinangunahan ni Marvin Taywan sa iskor na 18 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.