Panelo: Gobyerno, walang magagawa sa muling pagtaas ng presyo ng petrolyo

By Chona Yu March 19, 2019 - 04:33 AM

Aminado  ang Palasyo ng Malakanyang na walang magagawa ang gobyerno sa napipintong muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pandaigdigang usapin ang presyo ng produktong petrolyo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na may ginagawa nang hakbangin ang gobyerno para malabanan ang masamang epekto nito.

Pagtitiyak ni Panelo, hindi naman pangmatagalan ang problema ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil bumabalik din naman ito sa mga susunod na araw.

“Eh, iyon namang presyo ng gasolina eh hindi ba aakyat, bababa, so sanay na tayo doon, hindi naman tayo naapektuhan nung matagalan, dahil short lang naman iyong nangyayari, lagi namang meron tayong mga kalakaran na bumabalik sa dating presyo. Ginagawa ng pamahalaan ang mga measures upang ma-neutralize natin ang masamang epekto nito,” ani Panelo.

Una rito, nagbigay na ng abiso ang mga kompanya ng langis na gagalaw ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes ng mahigit piso kada litro.

TAGS: aminado, oil price hike, Presidential spokesman Salvador Panelo, produktong petrolyo, walang magagawa, aminado, oil price hike, Presidential spokesman Salvador Panelo, produktong petrolyo, walang magagawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.