Banta ni Duterte na sasampalin ang ICC prosecutor, ‘hyperbole’ lang

By Chona Yu March 19, 2019 - 04:00 AM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi sasampalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga International Criminal Court (ICC) na magtutungo sa bansa para mag-imbestiga sa umanoy nagaganap na extra judicial killings at human rights abuses.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hyperbole o pagmamalabis na pahayag lamang ito ng Pangulo.

Una rito, sinabi ni Duterte na sasampalin niya si ICC Prosecutor Fatou Bensouda kapag pumasok ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, nakaugalian na ng Pangulo na magpahayag ng sobra sobra para lamang mailabas ang kanyang galit.

TAGS: CC Prosecutor, extra judicial killings, Fatou Bensouda, human rights abuses, hyperbole, ICC, mag-imbestiga, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, sasampalin, CC Prosecutor, extra judicial killings, Fatou Bensouda, human rights abuses, hyperbole, ICC, mag-imbestiga, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, sasampalin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.