Robredo aminadong naka-apekto sa LP ang pagtakbo ni Duterte sa 2016
Aminado si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na may epekto sa Liberal Party ang pagsabak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 Presidential race.
Ayon kay Robredo, dahil sa pagpasok o pag-alis ng isa sa halalan, ni Duterte man o iba pa, may epekto sa partido, kaya kailangang maging realistic lamang aniya sila pagdating sa expectations.
Dagdag ni Robredo, okay na maraming pumapasok sa eleksyon lalo na sa presidential elections dahil mas maraming choices o pagpipilian at tinitingnan ang mga tao.
Sa ngayon aniya, may regular weekly meeting sila ng kanyang running mate na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas para mapag-usapan ang mga plano nila sa eleksyon.
Nauna na ring lumabas sa mga news reports ang paglipat ng ilang Liberal Party leaders sa Mindanao sa bakuran ni Duterte.
Samantala, tumanggi naman si Robredo na magkomento hinggil sa isyu ng “subtitution” ni Duterte na kinakaharap niya sa Commission on Elections.
Ani Robredo na isang abogado, mahirap magkomento sa hindi first hand information kaya marapat na ibauya na lamang ang usapin sa poll body.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.