#WalangPasok: Listahan ng class suspension ngayong Martes, March 19 dahil sa Bagyong Chedeng

Suspendido ang mga klase sa ilang lugar sa Davao Region ngayong araw ng Martes March 19 dahil sa Bagyong Chedeng.

Sa 11 pm Pagasa advisory araw ng Lunes, sinabing tatama ang bagyo sa kalupaan sa Davao Occidental sa pagitan ng alas 2:00 at alas 6:00 ngayong umaga.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 180 kilometro Silangan ng General Santos City at kumikilos sa bilis na 25 kilometro bawat oras sa direksyong Kanluran

Narito ang mga lugar na #WalangPasok:

ALL LEVELS

Compostela Valley

Davao City

Davao Oriental

PRESCHOOL

Davao Oriental

KINDERGARTEN TO HIGH SCHOOL

Compostela Valley

Elementary to High School

Davao Oriental

Read more...