Hepe ng Tayabas Police at 3 tauhan, sibak sa pwesto dahil sa pagkamatay ng anak ng Mayor
Sinibak sa pwesto ang hepe ng Tayabas City Police Station at ang tatlong tauhan nito dahil sa pamamaril sa anak ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office, sibak sina Supt. Mark Joseph Laygo at tatlo pang pulis sa gitna ng imbestigasyon sa pagpatay sa anak ni Mayor Gayeta na si Christian, 21 anyos
Ang pagsibak sa pwesto ay inutos ni Sr. Supt. Osmundo de Guzman, director ng Quezon PPO.
Matatandaan na noong March 14, inireport sa pulisya ng isang tauhan ng gasolinahan sa Tayabas City na dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang dalawang beses na nagpaputok sa kanya pero hindi siya tinamaan ng dalawa.
Sa pagresponde ng mga pulis, nanlaban umano ang dalawa na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Samantala, humingi na ang Tayabas City Police Station ng autopsy exam at paraffin test para sa dalawang suspek gayundin ang detalye sa mga baril na narekober sa crime scene.
Tiniyak naman ni De Guzman ang masusing imbestigasyon sa pagpatay sa anak ng alkalde at pagkasangkot ng apat na sinibak na pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.