Tambalang Duterte-Cayetano opisyal na

By Den Macaranas November 30, 2015 - 04:52 PM

Cayetano-Duterte_CNNPH
Inquirer file photo

Nilinaw ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na walang nag-pressure sa kanya ng mga maimpluwensiyang tao kaya siya nag-desisyon na tumakbo bilang pangulo sa 2016 Elections.

Sa Proclamation ng tambalang Duterte-Cayetano sa Century Park Hotel sa Maynila, sinabi ni Duterte na ang kasalukuyang lagay ng bansa ang nagtulak sa kanya para ituloy ang pagtakbo sa halalan.

Aminado rin si Duterte na kailangan nila ang malaking pondo sa buong panahon ng kampanya pero kumpiyansa naman siya na mas bibigyan ng atensyon ng taumbayan ang mga ini-aalok niyang pagbabago kumpara sa mga isyung ibabato laban sa kanya.

Nagpakita naman ng buong suporta ang Partido ng Demokratikong Pilipino – Laban (PDP-Laban sa proklamasyon ng tambalang Duterte-Cayetano kung saan ay lumuwas pa ang ilang party members mula sa mga lalawigan.

Sa panayam kanina, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na umaasa siya na magiging maayos ang panahon ng kampanya pero nakahanda na rin daw ang kanilang kampo sa mga black propaganda na posibleng ilutang ng iba’t ibang mga grupo.

TAGS: Cayetano, duterte, PDP Laban, Proclamation, Cayetano, duterte, PDP Laban, Proclamation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.