Higit 160 patay sa pagsalanta ng bagyo sa Mozambique

By Len Montaño March 18, 2019 - 10:33 PM

AFP photo

Hindi bababa sa 160 ang naitalang patay habang marami pa ang nawawala sa pagsalanta ng bagyo sa Mozambique.

Ayon sa mga otoridad, pinakamatinding tinamaan ng Cyclone Idai ang syudad ng Beira saka ito nanalasa sa kalapit na Zimbabwe.

Ang bagyo ay nagdulot ng flash floods at malakas na hangin na sumira sa mga kalsada at bahay.

Ayon sa International Federation of Red Cross at Red Cross Crescent Societies, 90 percent ng lungsod ng Beira kung saan nakatira ang nasa 530,000 katao at ang kalapit na mga lugar ay malaki ang pinsala.

Nasira rin ang linya ng komunikasyon gayundin ang isang malaking dam.

Sa tala ng mga otoridad, 73 ang patay sa Mozambique kabilang ang 55 sa Beira at 89 sa Zimbabwe.

Nasa 150 naman ang nawawala kaya pinangangambahan na tataas pa ang death toll.

TAGS: 160 patay, Bagyo, Beira, Cyclone Idai, flash floods, hangin, International Federation of Red Cross, Mozambique, nawawala, pagsalanta, patay, pinsala, Red Cross Crescent Societies, Zimbabwe, 160 patay, Bagyo, Beira, Cyclone Idai, flash floods, hangin, International Federation of Red Cross, Mozambique, nawawala, pagsalanta, patay, pinsala, Red Cross Crescent Societies, Zimbabwe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.