Pagkalas ng Pilipinas sa ICC tama lang ayon kay Sotto
Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na walang magiging epekto sa Pilipinas ang pagkalas sa International Criminal Court.
Ayon kay Sotto sa sinasabing panghihimasok ng ICC sa ilang polisiya sa bansa ay lalo lang nakakagulo at hindi nakakatulong.
Ipinunto nito ang isyu sa extra judicial killings, sinabi ni Sotto na lumobo ang bilang ng mga napatay sa anti-drug operations sa datos ng ICC dahil isinama maging ang mga kaso ng pagpatay na walang kinalaman sa war on drugs.
Pagdidiin pa ni Sotto, wala pang magandang naitulong ang ICC sa Pilipinas sa kanyang pagkakaalam.
Idinagdag pa ng pinuno ng Senado na sa kanyang paniniwala na hindi na kinikilala ng Pilipinas ang ICC, wala na rin kapangyarihan pa ito na dinggin ang anumang reklamong laban kay Pangulong Duterte na idinulog sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.