ICC members na pupunta sa bansa idedeport ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 18, 2019 - 08:09 PM SHARE(S):
AP

Tiniyak ng Malacañang na hindi makapasok sa bansa ang mga taga-International Criminal Court kung magsasagawa ng imebstigasyon sa extra judicial killings at human rights abuses na pilit na iniiugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng palasyo matapos kumalas ang Pilipinas sa ICC noong March 17.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo,  malinaw na pakikialam sa soberenya ng bansa ang ginagawa ng ICC dahil gumagana naman ang mga legal na proseso sa bansa.

Maayos din aniya na ginagampanan ng mga korte ang kanilang trabaho sa mga kaso ng mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao.

Sakali man aniyang magpumilit ang mga taga ICC na pumasok sa bansa at mag-imbestiga, walang ibang magagawa ang gobyerno na ipadeport sila dahil paglabag ito sa mga itinatakdang batas ng Pilipinas.

Payo pa ni Panelo sa ICC, sa halip na mag-aksaya ng panahon sa pag-iimbetiga sa mga algeasyon ay mas makabubuting matulog na lamang sila.

“You’re interfering with the sovereignty. Because when you try to subject a country to your jurisdiction, then you’re interfering with that country kasi we have our own courts here. We can prosecute anybody kung we feel some violators or transgressors of the law,” paliwanag pa ng kalihim.

Pero kapag aniya pumasok ang mga taga ICC bilang turista, malugod naman silang tatatanggapin ng Pilipinas.

TAGS: court, duterte, Human Rights, ICC, panelo, court, duterte, Human Rights, ICC, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.