BI: Sindikato ng human trafficking aktibo na naman

By Angellic Jordan March 18, 2019 - 05:48 PM

INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Nakaalerto ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA laban sa human trafficking.

Ito ay makaaraang makatanggap ang B-I ng mga ulat sa umano’y pagiging aktibo ng mga sindikato na mag-recruit ng mga menor-de-edad patungong ibang bansa.

Sa inilabas na pahayag, ipinag-utos ni B-I Commissioner Jaime Morente kay B-I Port Operations Division Chief Grifton Medina ang pagsasagawa ng istriktong inspeksyon sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) kung nasa legal nang edad.

Ang age requirement sa mga overseas household service worker ay bente y tres anyos.

Ani Morente, sakaling maghinala sa ilang paalis na OFWs, maaring ilipat ang mga pasahero sa Travel Control and Enforcement Unit ng B-I para sa secondary inspection.

Kamakailan, nahuli ng ahensya ang isang 21-anyos na Pinay sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa ahensya, inamin ng Pinay na patungo sanang Saudi Arabia na hindi pa siya 25-anyos taliwas sa nakalahad sa kaniyang pasaporte.

Noong 2018, nakapagtala ng mahigit-kumulang isang daang underaged OFWs sa NAIA.

TAGS: human trafficking, morente, ofw, saudi arabia, human trafficking, morente, ofw, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.