Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na walang dapat ipangamba ang publiko kaugnay sa sinasabing sakit ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay makaraang hindi makadalo ang pangulo sa dalawang events sa Davao City noong weekend.
Bilang patunay, sinabi ng alkalde na nakapag-ikot pa sa Davao City ang kanyang ama kahapon at bumili pa ng paborito niyang pandesal sa isang bakery.
Sinabi pa ni Duterte-Carpio na sila bilang pamilya ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng pangulo.
Nauna na ring sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkaroon lamang ng migraine ang pangulo kaya hindi nakapunta sa ilang events noong Sabado.
Sa social media ay pinag-pistahan ng ilang kilalang tagasuporta ng oposisyon ang health condition ng pangulo.
Ilang beses na ring umikot sa kanilang mga thread na comatose ang pangulo pero kalaunan ay binura rin nila ito nang magpakita sa publiko ang chief executive.
Naniniwala naman ang ilang Malacañang insiders na bahagi ng misinformation at planong pagpapabagsak sa administrasyon ang pagpapakalat ng mga ganitong uri ng balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.