Kopya ng pinagtibay na 2019 budget babawiin ng Kamara

Kinumpirma ng Kamara na babawiin nila ang advance copy ng inaprubahang panukalang 2019 budget na isinumite sa Malacañang.

Ayon kay San Juan Rep. Ronaldo Zamora, hindi maman nangangahulugan na yumuko sila kagustuhan ng Senado dahil kukunin lamang nila ang kanilang ibinigay.

Bagkus ang kanilang hakbang ay pagpapakita ng kanilang good faith sa Senado upang maipagpatuloy na talakayin ang inaprubahang budget.

Iginiit ni Zamora na hindi pa matatawag na enrolled bill ang kopya na nasa Malañang dahil hindi pa naman ito nalalagdaan ang Senate President.

Hindi rin pag-amin ng pagkakamali ang kanilang hakbang na bawiin ang kopya ng niratipikahang panukala sa palasyo.

Sa pagiging negosyador sa pagitan ng Kamara at Senado sinabi ni Zamora na si Senator Panfilo Lacson pa lamang ang kanyang nakakausap sa Senado pero kung ito anya ang itinalagang ng Senate President ay maari na silang mag-usap.

Sinabi rin nito na ang ekonomiya ng bansa ang lubhang apektado sa nangyayaring stand-off ng Kamara at Senado ukol sa 2019 budget dahil base sa projections na ibinigay sa kanila ay babagal ang takbo ng ekonomiya ng 4% na pinakamababa sa loob ng 20 taon.

Gayunman, nanindigan si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na walang iligal sa budget na kanilang ipinasa.

Bago pa man anya siya maging House Speaker ay parehong proseso na ang sinunod sang-ayon sa naging pasya ng Korte Suprema tungkol sa pagdedeklara sa lump sums budgetting na labag sa batas.

Read more...