2 patay sa pagsabog sa Sto. Tomas, Batangas

By Angellic Jordan March 18, 2019 - 03:13 PM

PRO 4A Photo

Nasawi ang dalawa katao dahil sa naganap na pagsabog sa Santo Tomas, Batangas, Lunes ng umaga.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pagsabog sa isang bahay sa bahagi ng Barangay San Roque bandang alas onse ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Edwin Quilates, director ng Batangas Provincial Police Office, ang nasabing bahay ay pagawaan ng “blasting caps” o detonators.

Hindi pa naman malinaw kung saan partikular ginagamit ang mga ginagawang pampasabog.

Ilang bahay naman ang nasira dahil sa insidente.

Pinauwi rin ang mga estudyante sa Mother Barbara Micarelli School matapos ang pagsabog.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang dahilan ng pagsabog.

TAGS: Batangas, blasting caps, detonators, sto. tomas, Batangas, blasting caps, detonators, sto. tomas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.