Shortage sa supply ng tubig sa Metro Manila, isinisi sa privatization

By Ricky Brozas March 18, 2019 - 12:31 PM

Tahasang sinisi ng Ibon Foundation sa eskima ng privatization ang nagaganap na water crisis sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Sonny Africa, na kung gobyerno ang nagpapatakbo sa serbisyo ng tubig ay may sapat na supply ang publiko.

Sabi ni Africa, ang interes lamang ng mga water concessionaire ay ang kanilang kita, kaya ang option lamang nila ay ang itaas o ibaba ang supply ng tubig.

Matatandaang ang water supply ay nailagay sa pangangasiwa ng pribadong korporasyon na Manila Water at Maynilad na dahilan ng palagiang pagtataas ng presyo ng tubig.

Ayon pa kay Africa, panahon na upang ibalik sa pamamahala ng gobyerno ang serbisyo ng tubig.

Hindi lang aniya masolusyunan ang problema ng suplay sa tubig kundi maging ang mababang presyo nito.

TAGS: ibon foundation, privatization, suplay ng tubig, water crisis, ibon foundation, privatization, suplay ng tubig, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.