Isa pang suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan naaresto ng NBI

By Jimmy Tamayo March 18, 2019 - 12:03 PM

May naaresto ang National Bureau of Investigation sa Central Visayas na isa pang suspek sa pagpatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan.

Sinabi ni NBI Regional Director Atty. Tomas Enrile na naaresto ang suspek noong gabi ng sabado.

Hindi ibinigay ni Enrile ang pangalan ng suspek na isa aniyang menor de edad pero iniugnay ito sa karumal-dumal na pagpatay kay Silawan base sa mga ebidensya nakalap gaya ng cellphone messages sa biktima.

Nakita umano ang suspek na kasama ang biktima base sa nakuhang CCTV ng NBI.

Kinumpirma ni Police Regional Office (PRO-7) Director, Chief Superintendent Debold Sinas na hawak na nila ang suspek na naaresto ng NBI.

Gayunman, nilinaw ni Sinas sa isa lamang sa mga “persons of interest” ang 17-year old na lalaki na lumalabas ang pangalan sa kanilang imbestigasyon.

TAGS: Christine Lee Silawan, NBI, suspek, Christine Lee Silawan, NBI, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.