Bagyong Chedeng napanatili ang lakas at bahagyang bumilis

By Jimmy Tamayo March 18, 2019 - 11:42 AM

Napanatili ng Bagyong Chedeng ang lakas nito habang bahagyang bumagal ang kilos.

Sa  Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 445  kilometers silangang bahagi ng Davao City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.

Bahagyang bumilis ang bagyo na kumikilos ngayon sa bilis na 20- kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas ang Public Storm Warning Signal Number 1 sa sumusunod na mga lalawigan:

  • Davao Oriental
  • Compostela Valley
  • Davao del Sur
  • Davao City
  • Davao Occidental
  • Southern part ng Davao del Norte kabilang ang Samal Island
  • Eastern part ng North Cotabato
  • Eastern part ng Sarangani

Inaasahang tatama sa kalupaan ng eastern coast ng Davao Oriental ang bagyo bukas ng umaga.

TAGS: #weatheradvisory, Bagyo, Bagyong Chedeng, Pagasa, Tropical Depression, #weatheradvisory, Bagyo, Bagyong Chedeng, Pagasa, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.