Seguridad ni Pemberton sa promulgation ng kanyang kaso tiniyak ng PNP
Tiniyak ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang seguridad ni U.S Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na hahatulan bukas dahil sa sinasabing pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.
Ayon kay Marquez hindi lang si Pemberton ang kanilang babantayan kundi maging ang paligid ng Olongapo City Hall of Justice kung saan siya babasahan ng hatol ala una ng hapon.
Ani Marquez, kung nagawa nilang bantayan ang daan-daang delegado na dumalo sa APEC Summit wala siya nakikitang dahilan para mahirapan sila kay Pemberton.
Nabatid na nakipag-ugnayan na ang PNP sa U.S Embassy para sa seguridad ni Pemberton na ngayon ay nakadetine sa Jusmag facility sa loob ng Camp Aguinaldo.
Nauna dito, sinabi ng Police Regional Police 3 na isang libong mga pulis ang kanilang ikakalat sa paligid ng Olongapo City Hall of Justice dahil sa inaasahang paglusob ng mga miyembro ng mga militanteng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.