Kaligtasan ng mga bakasyonista pinasiniguro ng DOH ngayong summer season
Kasabay nang nalalapit na summer season ay may inisyatibo ang Department of Health para pangalagaan ang kaligtasan ng mga magbabakasyon at tutungo sa mga beach sa bansa.
Ayon kay DOH-CALABARZON Chief Dr. Eduardo Janairo, isa sa pinakamadalas puntahan tuwing summer ay ang mga dagat at pools sa kanilang lugar na Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Dahil dito ay regular ang pagsasagawa nila ng training para sa mga lifeguards para matiyak ang seguridad ng beachgoers.
Pitumpung life guards na aniya ang kanilang sinanay.
Iyan ay para maiwasan ang mga water-related accident.
Paalala din ng doktor, dapat ang mga swimming pools at beaches ay dapat may kahit isang life guard na siyang tutugon sa emergency situation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.