Kaso laban sa mga ospital at mga doktor na sangkot sa cataract operations, umuusad
Tuloy ang pagdinig ng mga korte laban sa mga ospital at mga doktor na sangkot sa kuwestiyonableng cataract operations noong mga nakaraang taon.
Sinabi ni Dr. Shirley Domingo, tagapagsalita at Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth, 70 ospital at mga doktor ang nasampahan na nila ng kaso.
Ito ay kasunod nang ginawang imbestigasyon ng PhilHealth kaugnay sa nabunyag na anomalya na may mga ospital, eye clinics at mga duktor ang nagsabwatan upang mapagkakitaan ang pondo ng ahensiya.
Sinabi rin ni Dr. Domingo na may nakarating din na report sa kanila patungkol sa ghost operation at iniimbestigahan na ito ng ahensiya bukod pa sa mga on-going investigation patungkol sa cataract operation.
Mula aniya nang matuklasan ang anomalya ay nilimitahan na ng PhilHealth ang cataract operations lalo na at nakita nila na hindi tumutugon sa tamang quality ang isinasagawang procedure.
Nahatid kay Domingo na mula 2016 hanggang 2017 ay bumaba ng 33 percent ang cataract operation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.