Pulis at isang babae, sugatan matapos saksakin ng lalaking nag-amok sa Naga City

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2019 - 06:41 AM

Sugatan ang isang pulis at isang babae matapos silang masaksak ng isang lalaking nag-amok sa Naga City.

Napatay naman ng rumespondeng pulis ang suspek na kinilalang si Michael Jallores, 26 anyos at taga-Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng Naga City police, ang suspek ay unang sinaksak ng suspek ang babaeng biktima na si Nenita Bien.

Nagtamo ng tama ng saksak si Bien sa itaas na bahagi ng katawan.

Nang matanggap ang ulat ay agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa suspek.

Nang makorner ito ni Chief Insp. Norlito Escota at sinubukang pakalmahin ay sinaksak din nito ang pulis, dahilan para barilin ang suspek.

Idineklarang dead on arrival ang suspek sa Bicol Medical Center.

Ligtas naman na ang pulis habang inoobserbahan pa si Bien dahil sa malalalim ang saksak na kaniyang natamo.

TAGS: dead on arrival, Pananaksak, police report, sugatan, dead on arrival, Pananaksak, police report, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.