2 drug den sinalakay sa QC

By Rhommel Balasbas March 18, 2019 - 05:32 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – National Capital Region ang dalawang drug den sa Barangay Pinayahan, Quezon City hapon ng Linggo.

Ang naturang drug den ay isang kanto lamang ang layo mula mismo sa opisina ng PDEA sa lungsod.

Nakita sa surveillance video ang transaksyon sa droga ng isang alyas ‘Busaran’ habang sa isa pang video ay naglalaman ng nagaganap na drug session.

Pagmamay-ari umano nina alyas ‘Maricel’ at alyas ‘Tangkoy’ ang naturang mga drug den.

Mariin itong itinanggi ni Maricel at sinabing gumagamit lamang siya ng droga at hindi drug den ang kanyang bahay.

Pero ayon kay District Officer Agent Mary Arguelles, noon pang October 2018 ay sumailalim na sa kanilang surveillance sina Maricel at Tangkoy.

Isa namang alyas ‘Atong’ ang nagtangka pang itago sa kanyang bibig ang isang sachet ng droga ngunit nahuli pa rin.

Walo katao pa ang hinuli para sa isailalim sa drug test kung gumagamit ang mga ito ng droga.

Magsasagawa pa ang PDEA ng follow-up operation laban sa pinagkukunan ng droga ng mga suspek.

Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa Section 6 ng Republic Act 9165 o ang maintenance of a drug den.

TAGS: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City drug den, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Quezon City drug den

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.