Water supply crisis hindi pa tapos ayon sa MWSS

By Rhommel Balasbas March 18, 2019 - 04:41 AM

Radyo Inquirer Photo

Hindi pa tapos ang nararanasang water shortage sa Metro Manila ayon mismo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ito ay sa kabila ng pagbabalik ng suplay tubig sa 90 porsyento ng mga apektadong lugar.

Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, maaari pa ring maranasan ng ilang mga lugar ang kakulangan sa tubig.

Giit ni Velasco, may tubig na dumadaloy sa mga gripo pero hindi ibig sabihin na mayroong tubig 24 oras.

Depende umano sa lugar kung san mayroong 4 na oras, 8 oras at 12 oras na may tubig.

Mas mahalaga naman anya na may suplay na ng tubig sa mga apektadong lugar partikular sa Mandaluyong.

Samantala, ang pagsasaayos sa aqueducts at tunnels mula sa La Mesa Dam at Angat Dam ay patuloy umanong isinasagawa para masolusyonan ang krisis sa tubig.

Inaasahang matatapos ang pagsasaayos sa naturang mga imprastraktura ngayong taon.

TAGS: Metro Manila's water shortage, Metro Manila's water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.