Sa isang statement na inilabas kahapon araw ng Linggo, sinabi ng Maynilad na nakukuha ng Manila Water ang kanilang buong alokasyon mula sa Angat Dam na 1,600 million liters ng tubig kada araw.
“Manila Water has been getting its full allocation of 1,600 million liters per day (mld) from Angat Dam. Maynilad has not done and will not do anything to deprive Manila Water of its 1,600 mld allocation,” ayon sa Maynilad.
Hindi rin umano kumukuha ng suplay ang Maynilad sa La Mesa Dam.
Sinabi pa ng water concessionaire na bukas ang kontrobersyal na bypass gate noon pang February 2018.
Giit ng Maynilad, kontrolado ng Manila Water ang naturang bypass gate at walang kahit anong kinalaman ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dito.
Ang naturang bypass gate ang nagre-regulate sa daloy ng tubig mula sa La Mesa portal patungo sa La Mesa Dam at Balara Water Treatment plants.
“We wish to inform the public that Manila Water, which totally controls this bypass gate, has opened it since February 2018. This bypass gate regulates the flow of water from the La Mesa portal to both the La Mesa Dam and to the Balara Water Treatment Plants, all of which are controlled by Manila Water. MWSS has nothing to do with this bypass gate,” dagdag ng Maynilad.
Matatandang naging usap-usapan sa social media ang bypass gate na isinara umano at kung sakaling buksan ay matatapos ang water crisis sa Metro Manila.