Bangkay ng lalaki natagpuan sa kanal sa Benguet

By Rhommel Balasbas March 18, 2019 - 01:36 AM

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang kanal sa Barangay Tadiangan, Tuba, Benguet, araw ng Linggo.

Nang matagpuan ay nakasuot ito ng itim na jacket at maong na pantalon.

Ang naturang lalaki na hindi pinangalanan dahil sa hiling ng pamilya ay nagtamo ng mga marka ng pananakal sa leeg at tama ng bala sa ulo ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Ayon pa kay Tuba Police chief Major James Acod, posibleng sa may kanal lamang din pinatay ang biktima.

Ito ay dahil narekober malapit sa kanyang bangkay ang isang nylon cord at dalawang basyo ng bala.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen at inaalam ang mga nasa likod nito.

TAGS: benguet, Scene of the Crime Operatives (SOCO), tuba, benguet, Scene of the Crime Operatives (SOCO), tuba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.