Mga labi ni Chokoleit naihatid na sa huling hantungan

By Rhommel Balasbas March 18, 2019 - 12:22 AM

Inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Chokoleit kahapon, araw ng Linggo.

Idinaos ang isang misa sa Davao Memorial Park alas-2:00 ng hapon na sinundan ng cremation.

Dumalo sa libing ang mga mahal sa buhay, kaibigan at tagahanga ng komedyante na si Jonathan Aguilar Garcia sa totoong buhay.

Lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Chokeleit sa mga nakiramay.

Special mention din mula kay Gerald Tabanag, kapatid ni Chokeleit ang mga komedyanteng sina Pooh, K Brosas, Pokwang at Vice Ganda.

Ang apat ay kaibigan ni Chokoleit at malaki ang naitulong sa burol ng kanilang kaibigan.

Inilagak ang mga abo ng komedyante sa columbarium ng Davao Memorial Park katabi ng mga abo ng kanyang ina.

Pumanaw si Chokoleit sa edad na 48 matapos ang kanyang pagtatanghal sa Abra.

TAGS: Chokoleit, cremation, Davao Memorial Park, Chokoleit, cremation, Davao Memorial Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.