Bagyong Chedeng napanatili ang lakas; signal no.1 nakataas sa 6 na lugar

Napanatili ng Bagyong Chedeng ang lakas nito habang kumikilos pa-Kanluran.

Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 725 kilometro Silangan ng Davao City.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Sa ngayon ay nakataas na ang signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Davao Oriental
– Compostella Valley
– Davao del Sur
– Davao City
– Timog na bahagi ng Davao del Norte kasama ang Samal Island.

Sa susunod na weather bulletin ay posibleng kasama na rin sa signal no.1 ang silangang bahagi ng North Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani.

Inaasahang sa susunod na 24 oras ay mas malapit na sa landmass ang bagyo at makakaapekto na ang outer rainbads o kaulapan ay posibleng makaapekto na sa Silangang Mindanao.

Batay sa pagtaya ng PAGASA, magla-landfall ang bagyo sa Eastern Coast ng Davao Oriental bukas ng gabi o sa Martes ng umaga.

Read more...