MWSS, makikipagpulong para sa pag-release ng water allocation mula sa Angat Dam

By Angellic Jordan March 17, 2019 - 05:49 PM

Nagpatawag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng pulong kasama ang mga stakeholder tungkol sa pag-release ng water allocation mula sa Angat Dam.

Kasunod ito ng pag-welcome ni Velasco sa alok ng San Miguel Corporation na makatulong sa paghahanap ng long-term solution sa nararanasang krisis sa tubig.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng MWSS na ipinag-utos ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco ang pulong para talakayin ang saturation operations sa susunod na dalawang linggo.

Inaasahang dadalo sa pulong ang mga opisyal mula sa Manila Water Company Incorporated, Maynila Water Services Incorporated, Bulacan Bulk Water Supply Project at ang ilang apektadong local government unit (LGU).

Inimbitahan din sa pulong ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Association of Volunteer Fire Chiefs and Firefighters of the Philippines.

TAGS: Angat Dam, mwss, Water allocation, Angat Dam, mwss, Water allocation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.