Pagdagdag ng night shift sa Manila Bay rehab, ikinokonsidera ng DPWH
Ikinokonsidera ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagdagdag ng night shift sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Sa isang panayam, sinabi ni DPWH Bureau of Equipment Director Toribio Ilao na kailangan ng dagdag na manggagawa mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling-araw.
Magiging tutok aniya ang night shift sa paglilipat ng mga nakolektang basura mula sa Manila Bay patungo sa landfill sa Navotas City.
Mas kaunti naman aniya ang itatalagang duty sa night shift kumpara sa regular na shift na nakatutok naman sa dredging work sa Manila Bay.
Matatandaang nagsimula ang rehabilitasyon sa Manila Bay noong buwan ng Enero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.