LGUs, hinikayat ni Gordon na maglabas na ordinansa hinggil sa pagtitipid ng tubig
Kasunod ng nararanasang kakapusan ng suplay ng tubig, hinikayat ni Senador Richard Gordon ang mga local government unit sa Metro Manila na maglabas na ordinansa hinggil sa pagtitipid ng tubig.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Gordon na makatutulong ang mga ordinansa para maiwasan ang paglala ng krisis sa tubig.
Importante aniya na bigyang-pansin ang responsableng paggamit ng tubig.
Sa tulong nito, iginiit ni Gordon na maiiwasan nating madagdagan ang kinakaharap na problema.
Apektado ng water service interruption ng Manila Water ang mga lugar sa bahagi ng east zone ng Metro Manila at ilang bayan sa Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.