30 porsyento sa bubuksang 350,000 trabaho sa Japan, maaring makuha ng mga Pinoy – DOLE

By Angellic Jordan March 17, 2019 - 04:32 PM

Maaaring makuha ng mga Filipino ang 30 porsyento sa kabuuang 350,000 na trabaho para sa mga dayuhan sa Japan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na katumbas ito ng 100,000 na trabaho sa Japan.

Ayon sa DOLE, nakatakdang pirmahan ang isang memorandum of cooperation kaugnay sa “specified skilled workers” sa Tokyo kasama ang Ministries of Justice, Foreign Affairs, Health, Labor and Welfare at National Police Agency ng naturang bansa.

Ani Bello, layon nitong makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mga Pinoy at makapagbigay ng proteksyon sa mga manggagawang Pinoy sa Japan.

Ilan sa mga sektor na kailangan ng Japan ng skilled workers ay health care, maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture, parts and tooling at aviation.

TAGS: filipino, Japan, trabaho, filipino, Japan, trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.