Errol Spence Jr., nais makalaban si Manny Pacquiao

AFP photo

Matapos maidepensa ang kaniyang IBF welterweight title, inihayag ni Errol Spence Jr. na nais niyang makalaban si Filipino boxer Manny Pacquiao.

Sa panayam matapos ang laban, sinabi ni Spence na isang karangalan kung sunod niyang makahaharap si Pacquiao.

Maituturing na aniya bilang ‘legend’ si Pacquiao sa larangan ng boxing.

Nagwagi ang 29-anyos na American boxer kontra kay Mikey Garcia via unanimous decision sa iskor na 120-107, 120-108 at 120-108.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na naidepense ni Spence ang IBF welterweight title.

Read more...