Tropical depression “Chedeng,” nakapasok na ng PAR
(Updated) Nakapasok na ang tropical depression ng Philippine Area of Responsibiity (PAR) ganap na 11:00, Linggo ng umaga.
Batay sa 5:00 PM update ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression “Chedeng” sa layong 850 kilometers sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 60 kilometers.
Nananatili pa rin ang bilis nito sa 25 kilometers per hour sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa weather bureau, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley at Davao del Norte sa araw ng Lunes (March 18) at sa nalalabing parte ng Mindanao sa araw ng Martes (March 19).
Sinabi pa ng PAGASA na posibleng itaas sa signal no. 1 ang Davao del Norte at Compostela Valley sa kanilang susunod na abiso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.