2 patay, 1 sugatan makaraang mabangga ng trak sa Laguna

By Angellic Jordan March 17, 2019 - 02:37 PM

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang isa makaraang makabangga ng isang delivery truck sa San Pedro, Laguna Linggo ng madaling-umaga.

Kinilala ni San Pedro City police chief Supt. Giovannie Martinez ang isang nasawing biktima na si Jonathan Muyco, residente sa Biñan City.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babaeng kasama ni Muyco sa aksidente.

Nakilala naman ang sugatang biktima na si Jiero Esteban, 23-anyos at residente sa Muntinlupa City.

Ayon kay Martinez, patawid ang mga biktima sa national highway sa Barangay Nueva nang biglang mabangga ng trak bandang 3:30 ng madaling-araw.

Nagtangka pa umanong tumakas ang drayber ng trak na si Jerick Manaog ngunit agad naharang ng mga nag-patrolyang pulis.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Mahaharap naman si Manaog sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.