Dalawa huli sa buy-bust operation sa Caloocan

By Clarize Austria March 17, 2019 - 02:13 PM

Inquirer file photo

Huli ang dalawang indibidwal sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Dangerous Drugs Enforcement Unit (DDEU) ng Caloocan City Police dakong 1:20, Linggo ng madaling-araw.

Ang mga suspek ay nakikilalang sina Normalyn Ocampo, at ang listed drug pusher na si John Wilson Bautista, parehong 26-anyos.

Narekober ng mga pulis ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu kung saan may bigat na 0.15 grams ang isa na nagkakahalaga umano ng P500, at isang 0.80 grams na nasa P3,000.

Bukod pa rito, nakuha rin ng pulisya ang isang .22 Caliber pistol, limang bala at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Inihahanda na ng Caloocan City Police Prosecuters office ang pagsasampa ng kaso sa dalawa dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buybust operation, caloocan, buybust operation, caloocan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.