Nasa 1,800 pamilya sa Maguindanao, inilikas dahil sa operasyon ng militar vs rebeldeng grupo

March 17, 2019 - 02:00 PM

Inquirer file photo

Inilikas ang nasa 1,800 pamilya mula sa tatlong bayan sa Maguindanao dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng grupo.

Sa isang panayam, sinabi ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Philippine Army 6th Infantry Division, patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Gayunman, apektado ng operasyon ang mga residente sa Shariff Aguak, Datu Salibo at Salibu-Pagatin-Mamasapano.

Dahil dito, pansamantalang naninirahan ang mga residente sa evacaution centers.

Nagpadala aniya ng mga relief good para sa mga apektadong residente.

TAGS: BIFF, maguindanao, BIFF, maguindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.