Binabantayang tropical depression, posibleng pumasok sa PAR mamayang hapon – PAGASA

PAGASA photo

Inaasahang papasok ang binabantayang tropical depression sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Linggo ng hapon.

Sa 11:00 AM update ng PAGASA, huling namataan ang tropical depression sa layong 980 kilometers sa Silangang bahagi ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso malapit sa gitna na aabot sa 60 kilometers per hour.

Binabagtas nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.

Oras na makapasok ng PAR, papangalan ang tropical depression na “Chedeng.”

Read more...