Sunog sumiklab sa isang pamilihan sa Catarman, Northern Samar

By Angellic Jordan March 17, 2019 - 12:47 PM

Tinupok ng apoy ang isang gusali sa pampublikong pamilihan sa Catarman, Northern Samar Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Catarman police, nagsimula ang sunog sa isang gitnang bahagi ng gusali dakong alas 9:26 ng gabi.

Electrical wiring ang naging sanhi ng sunog sa lugar.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), rumesponde sa sunog sa mga bumbero mula sa mga kalapit-bayan tulad ng Mondragon, San Jose at Lope De Vega sa lalawigan.

Tumagal ng halos tatlong oras ang sunog at tuluyang naapula bandang 12:05, Linggo ng madaling-araw.

Tinatayang P2 milyon ang halaga ng pinsala sa mga nasunog na paninda at kagamitan sa gusali.

Sinabi ng BFP na wala namang nasawi o nasaktan sa sunog.

TAGS: catarman, northern samar, sunog, catarman, northern samar, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.