Unang nag-anunsyo ang kumpanyang Pilipinas Shell Petroelum Corp., na magpapatupad ng price increase.
Sa abiso ng Shell, epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, tataas ng P0.45 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina, P0.10 sa kada litro ng kerosene at P0.20 sa kada litro ng diesel.
Inaasahan naman na ngayong araw ay mag-aanunsyo rin ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang iba pang mga kumpanya ng langis.
Sa datos ng Department of Energy ang presyo ng diesel sa ngayon ay naglalaro sa P25.03 hanggang P28.48 kada litro habang ang presyo naman ng gasolina ay P35.15 hanggang P42.40 ang presyo kada litro.
MOST READ
LATEST STORIES