6 sugatan sa sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila

By Angellic Jordan March 17, 2019 - 03:29 PM

Sugatan ang anim katao matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang tatlong palapag na gusaling pagmamay-ari ng isang pamilya Manansala.

Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma at tuluyang naapula bandang 12:10, Linggo ng madaling-araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Gerald Brown, 38-anyos; Nenita Lardizabal, 64-anyos’ Imee Parayne, 20-anyos; Leizel Miles, 42-anyos; at Manuel Corpus,, 34-anyos.

Inaalam pa naman ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isa pang sugatan.

Maliban sa mga sugatan, aabot sa 150 na pamilya ang apektado ng sunog.

Nasa halos P1 milyon ang halaga ng pinsala na naturang lugar.

TAGS: Maynila, sunog, Tondo, Maynila, sunog, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.