Death toll sa pag-atake sa mga moske sa New Zealand, umakyat sa 50

By Len Montaño March 17, 2019 - 05:31 AM

AP photo

Umakyat na sa 50 ang bilang ng mga namatay sa pamamaril sa mga moske sa Christchurch, New Zealand.

Ayon sa pulisya, ang ika-50 biktima sa pag-atake ay pumanaw na.

Inanunsyo ni New Zealand Police Commissioner Mike Bush ang bagong death toll.

Ayon kay Bush, nasa 36 na biktima ang nananatili sa ospital, dalawa sa mga ito ay kritikal ang kundisyon.

Samantala, dalawa pang suspek ang inaresto kasabay ng pag-aresto sa suspek na si Brenton Harrison Tarrant.

Isa sa mga suspek ay pinalaya habang ang isa pa ay sinampahan ng kasong murder.

Habang si Tarrant ay sumailalim na sa arraignment.

TAGS: bilang ng namatay, Brenton Harrison Tarrant, christchurch, death toll, mosque, New Zealand, pag-atake, Pamamaril, pumanaw na, bilang ng namatay, Brenton Harrison Tarrant, christchurch, death toll, mosque, New Zealand, pag-atake, Pamamaril, pumanaw na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.