Aksyon ng ICC, inaasahan pa rin kahit kumalas na ang Pilipinas

By Len Montaño March 17, 2019 - 02:58 AM

Umaasa pa rin ang ilang human rights lawyers na aaksyunan ng International Criminal Court (ICC) ang mga reklamong laban sa mga opisyal ng Pilipinas kahit maging epektibo na ang pagkalas ng bansa.

Ngayong araw ng Linggo March 17 magiging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Ayon kay Atty. Jude Sabio, ang nagreklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, bahala na ang naturang international court na aksyunan ang kaso kapag umiral na ang withdrawal ng bansa.

Kapag may nakita anyang batayan ang ICC ay pwede itong tumugon pero kung wala ay maaaring isantabi na ang reklamo.

Ayaw pangunahan ni Sabio ang ICC pero umaasa ito na aaksyun pa rin ang korte sa reklamo niya laban sa Pangulo.

Si Duterte ay sinampahan ng reklamong crime against humanity sa ICC dahil sa kanyang madugong war on drugs.

TAGS: Atty. Jude Sabio, crime against humanity, human rights lawyers, ICC, pagkalas, Rodrigo Duterte, War on drugs, Atty. Jude Sabio, crime against humanity, human rights lawyers, ICC, pagkalas, Rodrigo Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.