Motorcycle riders, iprinotesta ang Doble Plaka Law

File photo

Nagprotesta ang libo libong motorcycle riders sa People Power Monument sa Edsa araw ng Sabado bilang pagtutol sa Doble Plaka Law.

Tutol ang mga riders sa probisyon ng Republic Act 11235 kabilang ang P25,000 na multa sa hindi nakapag-rehistro ng motorsiklo sa unang 5 araw nang bilhin ang sasakyan.

Nasa P50,000 hanggang P100,000 naman ang multa sa motorsiklong walang plaka.

Ayon kay Arangkada Riders Alliance national chairman Rod Cruz, umaasa sila na mababago pa ang ilang probisyon ng naturang batas.

Tinuligsa rin ng mga riders si Sen. Richard Gordon.

Ayon sa grupo, hindi rider ang senador kaya hindi nito naiintindihan ang kanilang pakiramdam at kung ano ang kanilang pang-araw araw na buhay.

Read more...