Look: Sen. Chiz, nagtesting ng cheese tattoo para match sa tattoo ni Heart

By Len Montaño March 17, 2019 - 02:31 AM

Matapos magpa-tattoo si Heart Evengelista ng heart symbol sa kanyang pulso, tila bagay lang na magpa-tattoo rin ang mister nito na si Sen. Chiz Escudero ng cheese-shape o hitsura ng keso.

Isang netizen ang nagpalutang ng naturang ideya sa Twitter at game naman itong sinakyan ng senador.

Sa kanyang tweet ay makikita ang litrato ng drawing na keso sa kanyang pulso katabi ang pulso ng aktres na may tattoo na puso.

Pero kung ang kay Heart ay totoong tattoo, ang kay Senator Chiz ay testing daw muna.

Makikita kasi sa larawan na hawak ni Heart ang isang yellow marker na maaaring ginamit pang-drawing sa keso sa pulso ng kanyang asawa.

Sa caption ng tweet ay nakasaad ang katagang “testing.”

Sa ngayon ay mayroon ng halos 3,000 na likes at mahigit 300 retweets ang post ni Escudero.

TAGS: cheese, heart, heart Evangelista, keso, pulso, puso, Sen. Chiz Escudero, tattoo, yellow marker, cheese, heart, heart Evangelista, keso, pulso, puso, Sen. Chiz Escudero, tattoo, yellow marker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.