150 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Tondo, Manila
Nawalan ng bahay ang nasa 150 na pamilya sa sunog sa 50 kabahayan sa Barangay 155 Tondo, Manila Sabado ng gabi.
Nagsimula ang sunog alas 9:11 ng gabi at umabot ito sa ikaapat na alarma.
Dakong 10:23 ng gabi ay nagdeklara ng fire under control hanggang tuluyang naapula ang sunog alas 12:10 Linggo ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Manila, tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit dikit ang mga bahay sa tabing riles.
Sa Facebook video ni Ken James ay mapapanood ang nagliliyab na apoy.
Kanya-kanya naman ng salba ng kanilang mga gamit ang mga residente.
Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.
Samantala, pinagtulungang bugbugin ng mga residente ang isang hindi pinangalanang lalaki na umanoy nagpasimula ng sunog.
Kinukumpirma pa ng BFP ang naturang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.